Ngayong Sabado, makikilala na natin si Pepito Manaloto. Mapapanood na natin ang kanyang mga unique experiences sa buhay at kung bakit tinawag itong first ever reality sitcom ng GMA. Text by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of GMA Network
Sa set ng Bubble Gang hinarap ni Michael V ang iGMA.tv para sa isang exclusive interview. We were really curious to know kung ano itong bagong show niya at kung sino ba talaga si Pepito Manaloto.
stars"Pepito Manaloto is a tale of discovery and exploration. 'Yung central character, si Pepito Manaloto ay isang mahirap na nanalo sa lotto ng isang napakalaking halaga at hindi niya alam kung anong gagawin dun," ang kuwento ni Bitoy sa amin.
"Meron tumulong sa kanya, si Carmina [Villaroel], si Maricar doon sa series, at siya 'yung parang nagi-introduce kay Pepito sa lifestyle of the rich and famous. Now as we go along with the story, every episode, may nadidiskubreng bago si Pepito at ang kanyang pamilya na hindi niya natikman o hindi niya naranansan noong mahirap pa siya."
And the story will proceed from there kaya nga siguro tinawag itong reality sitcom na kaunaunahan sa history ng Philippine television.
Kasama ni Bitoy dito si Manilyn Reynes, who will play the role of his wife Elsa, Ronnie Henares bilang kaaway ni Pepito na si Tommy Diones, John Feir as Pepito's best friend Patrick and Joshua Pineda, ang anak ni Pepito na si Chito, and with the special participation of veteran actor Freddie Webb.
This new show is an original brainchild of Bitoy, who is also one of GMA Network's creative directors. Pepito Manaloto is under the direction of well-respected director Bert de Leon.
Kaya naman don't miss the pilot episode of Pepito Manaloto this Saturday, March 20 on GMA's Sabado Star Power.
No comments:
Post a Comment